Tuesday, October 27, 2009

Part 2: Karma

Part 2

(Traffic na naman ng mga oras na iyon. sinipat ang relo at napaisip)
Erin: shit? it's Sunday? (nagring ang phone)
Dylan: Hi Erin, it's Dylan.. san kana?
Erin: ye-yeah.. ah nasa Coastal palang, I forgot it's sunday.. magpapatutor ka ba ngayon?
Dylan: well the thing is, wala ako sa mood magpaturo ngayon, e kung gala na lang tayo?
Erin:gala? mm... i-i dont know?
Dylan: come on.. I dont bite. hehe (giggle)
Erin: (napapangiti) ahh.. ok-ok. saan tayo magkikita?
Dylan: sa MOA and park your car there. tapos doon na lang tayo magkita sa starbucks.
Erin: huh? how did you know.. (nagtataka) well, ok. I'll be there in 10 minutes.
Dylan: sure.. ingat ka ha..(at naputol na naman ang linya.)
Erin: (napapangiti) Its funny. Bakit ba parang masyado siyang pinupush sakin? the tutorial thing and Pio's friend. (natawa na lang. Ilang minuto pa nga ay nakarating narin siya sa meeting place at hindi pa nga niya nakikita si Dylan. Dumiretso siya sa counter at umorder ng isang Frappe at umupo sa pinaka magandang pwesto na tanaw ang dagat. Binuksan ang Iphone at nagnet muna.)
Dylan: hey.. (pero hindi narinig ni erin dahil may nakapasak na headset sa kanyang tenga. Yumuko si Dylan at talagang isang daliri na lang ang pagitan nila sa isa't isa. Nagkatinginan ang mga ito at bigla na lang tumawa si Erin)
Erin: hahaha.. nakakagulat ka ah? para kang mushroom.
Dylan: kasi hindi mo ko naririnig e. tara..
Erin: san tayo?
Dylan: basta.. road trip.
Erin: road trip??
Dylan: yeah, babalikan na lang natin yung car mo.. hindi yan mawawala.. ang hirap kayang ibulsa niyan.. 4x4 pa?
Erin: medyo OA ka magreak ha?
Dylan: just sighting an idiomatic expression..
Erin: english english ka pa jan. oh.. frappe.. (sabay abot nito kay Dylan.. Inaasahan ni Erin na hindi ito kukunin ni Dylan, pero kinuha ito sa kamay nia at uminom sa straw.) ayoko ng inumin.. may laway mo na e..(tawa)
Dylan: love potion yung laway ko..
Erin: haha.. ang tigas ng mukha mo.. (approaching sa kotse ni Dylan.. At agad na inalalayan niya si erin hanggang sa makapasok sa sasakyan)
Dylan: fastened your seat belt..(pero mukhang nahihirapan si erin sa paglagay ng seat belt.. kinuha ni dylan ang seat belt at ikinabit ito..) Kasi naman wala sa bundok niyan.. (napatingin si erin kay dylan na para bang nalugi ito..nag wink naman sa kanya si Dylan sabayan pa ng killer smile nito.)
Erin: Kala mo naman maiinlove ako sayo.. (bulong nito sa sarili)
Dylan: may sinasabi ka?
Erin: wala.. sabi ko mabango yung sasakyan mo..
Dylan: Kasing bango ko no?
Erin: ang presko mo no? (at natawa na lang.. Tumagal ang byahe nila ng dalawang oras. Hanggang sa huminto ang sasakyan sa tapat ng isang napakalaking Gate) Nasan na tayo.. Village?
Dylan: Rest House namin.
Erin: Whoah? (at hindi nagtagal ay bumukas na ang malaking gate, sabay saludo sa kanya ng security guard. Ipinarada ang sasakyan sa tapat ng lobby ng rest house at bumaba sa sasakyan. sumunod din si erin kay Dylan)
Maid: Good afternoon po Sir, Nakahanda na po ang merienda.
Dylan: sige, susunod na kami.
Maid: sir..
Dylan: nanay pasing, Sir ka ng sir.. Nga pala.. Si erin nga nay.. (pakilala sa dalawa)
Nanay pasing: ang ganda namanng girlfriend niyo..
Erin: ah. eh.. nanay.. hindi niya po ako girlfriend..
Dylan: nanay.. nahihiya na yung soon to be girlfriend ko..
Erin: ang kaps talaga..
Nanay pasing: nako,. pumasok na kayo at lalamig na ang hinain ko. (pumasok na sila sa napakalaking bahay.)
Dylan: tara, kain muna tayo. alam ko nagutom ka sa byahe. baka pumayat na biek ko. (smile)
Erin: biek mo?? at tinawag mo akong biek??
Dylan: just joking erin.. (sabay subo kay erin ng brownies para hindi ito makapagsalita.. hindi nakakilos si erin at natulala) oh.. ayan ka na naman e, tinititigan mo na naman ako e.. doon ka nga tumingin (turo sa halamanan) nalulusaw ako.. (talikod) sa tingin mo..
Erin: ahh.. haha.. ewan ko sayo.. san ba cr dito?
Dylan: diretso tas kaliwa tas kanan tapos sakay ka ng jeep. (dumampot ng brownies si erin at katulad ng ginawa ni dylan sa kanya ay ipinasak niya ito sa bibig ni dylan)
Erin: sige halika i-guide mo ko.. baka maligaw ako e, hindi ko pa naman alam ang sakayan ng jeep dito. (nagkatawanan ng malakas)
Dylan: talo ko sayo.. (smile) come here.. I'll guide you.. (Di pa nagtagal ay ipinasyal siya ni Dylan sa buong rest house)
Dylan: here's my mom's garden.
Erin: very nice..
Dylan: tara doon tayo sa tambayan ko.. (at dinala siya sa likod ng kanilang rest house.. tanaw dito ang dagat at talaga namang napaka ganda ng view)
Erin: WOOOOOOOOOOW!! you know what.. ang nice ng place.
Dylan: yeah.. it is.. come on.. upo tayo..(at umupo)
Erin: nice place to unwind. if our house is like this? i'll be sitting here all day and just wasting my time looking at the nice ambience.
Dylan: hindi ba boring yun? mas maganda parin pag may kasama ka.. (biglang nalungkot)
Erin: (curious) may kasama?
Dylan: yeah.. 3 years ago, my ex-girlfriend was here.. with me. hindi nga siya makaupo dito sa sahig e (smile) because of her wheel chair. Mahina narin siya that time. Namumutla at pinipilit niyang ngumiti kahit nahihirapan na siya. After 2 days.. She's gone. (nawala ang mga ngiti) Sana nasa maayos na siyang kalagayan. Sana kahit man sa ibang paraan mapasaya ko siya. Isang bagay lang naman yung gusto niyang mangyare... ang makagraduate ako at itayo ang business na pinapangarap namin. Pero mukhang malabo na yon. (natahimik sila parehas.. at makaraan ang ilang minuto ay binasag na ni Erin ang katahimikan)
Erin: you know what Dylan? she's in good hands. Dont worry about her. Just worry about yourself. Worry about how can you fulfill her dreams. (smile)
Dylan: thanks erin.. kaya turuan mo ako ha?
Erin: well. mukhang hindi ka naman kailngang turuan e. Oo nga pala bakit ka ba pinapatutoran sakin ng prof natin?
Dylan: Kasi kailangan kong humabol this sem hindi kasi ako nagpapapasok. Pinilit lang ako ng mga kaibigan kong pumasok.
Erin: ah.. i see.. dont worry.. I'll help you this sem.(smile)
Dylan: ikaw?
Erin: me? what about me?
Dylan: bout you.. why do you keep on partying? smoking and get drunk all the time? except this day..haha (sabay nagring ang phone ni Erin)
Erin: hello?
Girl: Erin asan ka ba? si Alexa sinugod sa ospital.
Erin: ha?! sige pupunta ako. Paki send sakin yung ospital at room number. (at naputol ang linya) Dylan, I have to go. yung kaibigan ko sinugod sa ospital.
Dylan: sige sasamahan na kita and besides i kidnapped you right? (at agad na pumunta sa ospital kung nasaan si Alexa. Agad na dumiresto sa room 236 kung nasaan si Alexa at doon niya nadatnan si Haidi na nakaupo sa tabi ni Alexa)
Erin: anong nangyare?
Alexa: hinimatay lang ako.. masyado naman kayong nagpanic..
Erin: shut up bes, u have to rest. (sabay baling kay Haidi) Haidi may exams ka tom, umuwi kana at magpahinga, bago ka pumasok just bring some clothes here.
Haidi: sigurado ka bang ok ka lang dito?
Erin: yeah, hapon pa naman yung klase ko. (at umalis na nga si Haidi..) oo nga pala, Alexa si Dylan..
Alexa: hi.. naku, nasira ko ba yung date niyo.. pasensya na huh. kasi dapat hindi na kayo pumunta dito.. ok lang naman ako.
Dylan: Ok lang yun.. Wag natin baliwalan yung mga ganitong instances. (smile.. at maya maya lang ay hindi na namalayan ni erin na nakatulog na pala siya. Naalimpungatan si Dylan at nakita si Erin. Isinandal ni Dylan ang ulo ni Erin sa kanyang balikat at muling natulog.)

:)

No comments:

Post a Comment