Thursday, October 22, 2009

Bata

Ayos, isa na namang di makakalimutang pangyayari. Kung pwede lang mag fast forward ginawa ko na e. Kaya lng di talaga pwede. Badtrip na. Nakakahiya pa. Hindi naman din siguro masamang umasa, lalo pa kung para sa ikabubuti mo rin. Ang masama doon, kung kailan ka magseseryoso saka ka naman gagaguhin ng kapalaran. Oh siya, andun kana, napapabilang kana sa mga gago kung tawagin, pero hindi sa lahat ng oras ay gago o tarantado ka. Tao tayo, hindi natin maaiwasang magkamali, kung ang relihiyosong tao nga ay nagkakamali rin. May mga panahong gusto mo mang magpakabuti pero hindi mo magawa. Dahilan narin sa mga taong nakapaligid sayo. Kung minsan gusto kong bumalik sa pagkabata. Mga batang hindi marunong magtanim ng galit, mga batang patakbo takbo lang at naliligo sa ulan, mga batang titigil sa pag iyak kapag binilan ng Ice cream. At isa ako sa mga batang iyon. Batang kinagisnan ang saya ng buhay na walang problema. Ang totoo niyan, kapag dumating sa ganitong idad, hindi mo alam ang mga bagay na gusto mo at gusto mong mangyari. Minsan nagiging mapusok tayo na hindi natin namamalayan na mali na pala ang gingawa natin. Pero may kasabihan nga namang "hindi ka matututo hanggat hindi ka nagkakamali" ang sagot naman ng isa "Hindi sa lahat ng bagay ay may naibibigay na magandang leksyon ang pagkakamali"

Ganyan ang buhay... maraming baluktot at sali-saliwang daan.
Hindi mo alam kung saan ka dadalin ng mga paa mo sa bawat hakbang mo. Hindi mo mahahanap ang gusto mo kung hindi ka marunong makuntento sa bagay na nasa harapan mo. Tao ka, Hindi ka Diyos. Kaya kailanagan bilang isang tao ay gumanti naman tayo ng mabuti sa sarili natin. Hindi masamang gumawa ng katarantaduhan, pero mas maganda, kung gagawa tayo ng katarantaduhan ay walang tayong naaapakan at nasasaktan.

4 comments:

  1. grabe super relate ako dito ah, ang dami ko na din kasing nagagawang kaabnoramalan sa buhay kong ito eh, masyadong mapusok at minsan hindi na pinagiisipan, gustuhin ko mang bawiin o baguhin, nakakatatak na talaga yun sa pagkatao ko, so i might as well just live with it. akala ko pag nasa ganitong edad na ako, akala ko alam ko na ang lahat pero mas madami ata akong dapat pang matutunan.

    ReplyDelete
  2. hi cynd! salamat sa comment at thanks dahil naappreciate mo ung blog ko:)

    Well anyway, hindi mawawala sa buhay natin ang magkamali. Part un sa buhay natin. Kung d tau magkakamali walang spice sa buhay natin:D walang twist ika nga. Ok pa magkamali sa una at sa pangalawang bagay, pero kung magkakamali tau sa pangatlo at pangapat at sa sumunod pa, tau na mismo ang dapat sisihin sa mga nangyayare. mahirap mag isip ng gagawing desisyon at mahirap makibagay sa desisyong pipiliin:P

    miss yah cynd!

    ReplyDelete
  3. parang nung isang araw pinaguusapan natin toh
    yeah right it so nice to be a kid
    no worries, no everything hahaha
    but yes we should also feel pains and struggles
    thats what life is..
    :)

    ReplyDelete
  4. Thanks sa comment:D kain na lang tayo ng ice cream! haha:D

    ReplyDelete